EWAN kung bakit, pero parang hindi yata masyadong matunog sa ngayon si Sarah Geronimo. May pelikula siyang ilalabas ha, at kasama pa niya si Daniel Padilla, pero hindi ganoon kaingay. Wala kasing masyadong development ngayon sa career ni Sarah. Bihira na rin ang kanyang recordings at natural walang bagong hit. Iyong kanyang recording company ay mukhang mas interesado ngayon bilang production group na lang sa mga nagsisimulang singers na siyang nagpo-produce din ng sarili nilang recordings. Eh iyang si Sarah, parang Nora Aunor iyan eh. Huwag mong pakantahin iyan, wala iyan.
Ang mangyayari sa kanya, para ring si Sharon Cuneta. Noong mawala ang mga hit na kanta ni Sharon, nawala na rin siya sa pelikula at telebisyon. Kasi mas una silang nakilala bilang singers.
Wala kang nababalitaan kay Sarah maliban sa in love masyado kay Matteo Guidicelli.
HATAWAN
ni Ed de Leon