Monday , November 25 2024
Movies Cinema

Festival movies flop, P13-M lamang ang pinakamalaking kinita

AYAN ha, hindi na masasabing maramot ang mga may-ari ng sinehan. Hindi na masasabing ayaw nilang makipagtulungan sa industriya ng pelikula at ang iniisip lang nila ay ang kanilang kikitain. Sa kauna-unahang pagkakataon, nagbukas ang mga bagong pelikula ng Biyernes kagaya ng hinihingi nila. Walang ibang palabas na pelikulang dayuhan kundi mga pelikula lamang na gawa nila.

Ang tanong, nagbago ba ang resulta?

Kinopo na nila ang lahat ng sinehan sa buong Pilipinas, at sa kanila mismong pra la la, lumabas na ang pelikulang may pinakamalaking kinita ay P13-M lamang sa araw na iyon. Iyong pumangalawa, kumita ng P2-M lang. Iyong pangatlo,P1.5-M na lang. Eh hindi ba maliwanag na kung ang pagbabatayan ay ang first day gross, ang mga pelikulang iyan ay flop.

Ano ang itatawag mo roon sa pitong iba pang pelikula na hindi umabot sa isang milyon ang kita?

Kung ikaw ba naman ang may-ari ng sinehan, na ang gastos mo more or less mga P40,000 sa koryente, pasu­weldo at ibang gastusin sa sine, hindi pa kasali riyan iyong tinatawag na depre­ciation ng kanilang equipment, matutuwa ka ba sa baryang kikitain mo ng isang linggo? Hindi kaya maisipan na lang ng sinehan na magsara para makatipid sa koryente, suweldo at iba pang bayarin?

Hindi mo masasabing tatlong taon lang iyan eh. Ang daming festivals niyang mga indie, walang kumita isa man. Lahat ng suporta ng gobyerno itinapon na riyan. Pero ano ang napapala nating lahat? Ang masaya lang diyan iyong gumagawa ng pelikulang indie, dahil kumikita sila kahit na barya, pero nada­damay ang mga producer na nalulugi at pati ang mga sinehang nalulugi rin.

Ewan kung hanggang kailan nila gagawin iyan, pero tama nga sigurong magsuot ng itim na arm band dahil namamatay na ang industriya ng pelikula dahil sa mga naluluging pelikulang iyan.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

About Ed de Leon

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *