NAGREREKLAMO na si Regine Velasquez. This time ang problema naman niya ay lamok na siyang dahilan ng dengue. Tuwing papasok daw sa eskuwelahan ang kanyang anak na si Nate, kung ano-ano na ang ipinapahid niya at minsan amoy gas na iyon dahil sa mga pamahid panlaban sa lamok. Pero umuuwi iyon nang may kagat pa rin ng lamok.
Maraming magulang na kagaya ni Regine na halos ma-praning na dahil sa dengue, pero hindi naman sila papayag na ang anak nila ay saksakan ng kontrobersiyal na Dengvaxia lalo na ngayong binawi na ng DOH ang pahintulot na gamitin iyon sa Pilipinas.
HATAWAN
ni Ed de Leon