Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joshlia, kinasusulasukan na ng fans; JoshNella, inilampaso sina Jen at Gabby

HUMPTY dumpty sat on a wall. Humpty dumpty had a great fall. All the king’s horses and all the king’s men cannot put Humpty dumpty together again.” Iyan ang isang nursery rhyme na natutuhan natin noong mga bata pa tayo, pero sa nakikita namin ngayon, para iyan iyong JoshLia.

Neg-perform sila sa US, na sinasabi nga sa mga pra la la na kinilig ang fans, pero nang lumabas ang video niyo sa internet, maliwanag na ang dislikes ay 12,000, at ang likes ay 2,000 lamang. Ibig sabihin wala na sa tao iyang Joshlia pagkatapos ng kanilang maeskandalong issue. Nasusulasok na ang mga tao sa kanilang love team.

In fairness kay Joshua Garcia, mukhang hindi pa man ay nakabangon na siya, dahil malakas ang following nila ni Janella Salvador, kaya nga may nabuo agad na JoshNella. Isipin mong inilampaso ng serye nila sina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado. Kaya nga napilitan din ang kalaban na balasahin ang kanilang programming.

Ano ang gagawin mo kay Julia, na mukhang nagkamali sa kanyang moves? Naipahamak siya ng mataray niyang ghost writer. Wala ring pumatol sa talak ng lola niya? Mukhang hindi rin kinagat iyong sinabi niyang “mamahalin ko si Joshua hanggang sa huling hibla ng hininga ko.” Aba eh kailangan siguro riyan kumbaga sa kotse, over hauling na, kung hindi man change motor na.

Subukan na nilang umpisahan ang GeLia, o kaya JuRard. Kung kagatin ng tao eh ‘di naisalba na nila ang kanilang career. Kung hindi naman eh ‘di magpahinga na muna at hintayin kung kailan lalamig nang husto ang issues. Kaso ang gulo nila ay parang “ghost” na pabalik-balik talaga eh.

Puwede rin namang magbago na ng image si Julia Barretto. Maaari niyang subukan na mag-ST na rin, baka sakali mag-click siya roon.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …