TALAGANG ayaw pa ring magladlad ng kapa ng isang male star, na kulang na nga lang maging Reina Sentenciada sa Santacruzan. Alam na ng lahat na girl siya. Maraming kuwento kung paano noong araw ay kalaban niya si Annie Batungbakal sa pagiging reyna sa mga gay club sa Malate. Pero todo tanggi pa rin siya hanggang ngayon. Ang tindi ng self denial eh.
Ngayon nagpapa-macho image pa siyang pilit dahil kung hindi, sira ang image niya at madadamay pati na ang mga ginagawa niyang commercial endorsement. Pero may nagsasabing patago nga lang daw, pero nakikipagkita pa rin siya sa kanyang boyfriend. Bukod iyan sa tsismis na hinipuan niya ang isang co-star niya ha. (Ed de Leon)