Thursday , June 4 2026

Doktor, medic, o ambulansiya, wala sa mga taping o shooting

NABANGGIT na rin lang si direk Eddie Garcia, pinag-uusapan nga namin ng isang bete­ranong actor. Simula ba noong araw, sa shoot­ing ng kahit na anong pelikula, o taping ng kahit na anong TV show, may nakita na ba kayo minsan man na isang doctor, o medic man lang, at isang ambulansiyang nakabantay?

Ewan, kasi kami nga parehong tumanda na sa showbusiness wala kaming nakitang ganyan talaga. Medyo mali pero wala talaga eh.

Iyong mga cable sa shooting o sa taping, talaga bang nakakalat? Hindi man lang ba nilalagyan ng duct tape iyan. Talagang ganoon din eh, kasi lahat ng trabaho madalian. Pagkatapos ng isang take, kalas lahat iyan para mai-set up nang panibago. Pagkatapos ulit ng take, kalas na naman iyan.

Kaya iyong nangyaring iyon kay Eddie, talagang maaaring mangyari. Totoo rin namang maaaring iwasan. Pero sino ang gagawa? Sino ang kukuha ng isang structural engineer para tingnan ang ginagawang mga sets at mapatunayang matibay iyon? Sino ang kukuha ng safety engineers para magsabi kung ano ang safe at hindi dapat gawin sa set?

Oras na ipatupad ninyo iyan, wala nang gagawa ng pelikula. Wala na ring gagawa ng mga serye. Bibili na lang sila sa Korea, Japan, Mexico at kung saan-saan pa tapos ipapa-dub na lang nila sa mga dubber na mura lang ang bayad sa bawat script. Nakatipid pa sila sa shooting.

Iyan ang mga katotohanang dapat na nating tanggapin.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …