DESMAYADO pa rin ang mga miyembro ng isang award giving body dahil nagbibigay pa rin iyon ng awards, pero ibang mga tao at hindi ang members ang namimili ng mananalo.
Eh ano nga naman ang silbi pa ng maging member ng isang award giving body kung ganoon din lang. Pero mas mabuti na rin iyan kung iisipin kaysa sila nga ang namimili ng mananalo pero iba naman ang naidedeklara pagdating ng awards, dahil mas powerful ang kanilang TV producer kaysa lahat ng members at kaya niyang ipabaliktad ang winners kung gusto niya.
Ang nagagawa nga naman ng datung.
(Ed de Leon)