Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Krystall Herbal products subok sa maraming pagkakataon

Dear Sis Fely,

Patotoo ito tungkol sa UTI o urinary tract infection. Ang UTI ko gumaling sa Krystall Herbal Yellow Tablet at Krystall Nature Herbs.

Pangalawa iyong nagkasugat ako na hindi ko alam ay allergy kasi ang kati at kumalat sa buong katawan at binti ko at napakapula at makating-makati. Ang ginamot ko ay Krystall Yellow Tablet at sabay inom ng Krystall Nature herbs.

Isang linggo lang magaling na at walang peklat dahil ginamitan ko rin ng Krystall Herbal Oil.

Pangatlo may pekas ako sa mukha, maitim dahil sa kakagamit ko ng astringent. Nasunog ang mukha ko. Ang ginamit ko pang gamot ay tinapalan ko ng urine tuwing umaga at pina­pahiran ko ng Krystall Herbal oil sa umaga, tanghali at gabi.

Ginawa ko rin maligamgam na tubig ang idinadampi ko sa mukha at matiyaga kong hinahaplos ng Krystall Herbal Oil. Sa awa ng Diyos nawala ang sunog sa mukha ko.

At panghuli, nagkaroon ako ng pagmumuta sa mata hindi ko alam kung bakit pagkagising ko sa umaga nagmumuta at mapula pero hindi naman makati.

Pinatakan ko ng Krystall Eyedrops umaga, tanghali at gabi at pahid haplos ng Krystall Herbal oil sa talukap ng mata haplos paikot at haplos papuntang tainga.

Lubusan na akong gumaling, sayang nga lamang at nanakaw ang cellphone ko na ginamit ko sa pag-picture na sana may patunay na ako ay gumaling sa inyo.

Mga ka brother & sister, napakahusay at napakagaling ng Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs, Krystall Yellow Tablet at Krystall Eyedrop na nagpagaling sa mga sakit ko at siyempre una sa Diyos na ginawa niyang instrumento si Sis Fely Guy Ong at ang Krystall Herbal products.

Maraming salamat. Praise God.

Nagpapasalamat,
SIS SARA LAVINA
San Pedro, Laguna

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …