Thursday , June 4 2026
Pia Wurtzbach Madame Tussauds
Pia Wurtzbach Madame Tussauds

Pia, kauna-unahang Miss Universe na magkakaroon ng wax statue sa isang sikat na wax museum

MAY lamang na, kumbaga, si Pia Wurtzbach sa mga kapwa Pinay n’ya na naging Miss Universe. Magkakaroon na siya ng wax statue sa napakasikat na wax museum na ang simpleng pangalan ay Madame Tussauds. Mga sikat sa buong mundo ang may wax statues sa iba’t ibang bansa sa Madame Tussauds. Mga royalties ng United Kingdom, US presidents, heroes ng World History, sports heroes, international movie stars and singers, at notorious criminals.

Kung reliable ang data ng Wikipedia sa Internet, wala pang international beauty queen na may wax statue saan man sa  24 na Madame Tussauds. Sa wax museum sa Hong Kong ilalagay ang wax statue ni Pia. Actually, siyam lahat ang Madame Tussauds wax museum sa Asia at apat sa mga ‘yon ay nasa China.

Galing na sa Hong Kong si Pia para masukatan siya ng mga gagawa ng wax statue n’ya at malaman nila pati skin tone n’ya at kulay ng mga mata n’ya.

Sinasabing napaka-realistic ng mga estatwa sa wax museum kaya’t ‘pag pinatayo sa tabi ng mga ito ang tunay na tao at ipinagaya ang posisyon ng estatwa, maraming viewers ang nalilito kung alin ang estatwa at alin ang tunay na tao.

Alam ng mga nangangasiwa sa wax museum.na maraming Pinoy sa Hong Kong kaya si  Pia ang napusuan nilang gawan ng wax statue.

Reaksiyon ni Pia sa latest development na ito sa buhay n’ya: “When I found out, I was so excited. I couldn’t believe it! In my head, this is something only happens to big stars.”

Pahayag naman ng general manager ng Madame Tussauds sa Hong Kong na si Jenny Yu: ”With Pia’s sweet, positive and fun personality, we really could not have imagined having anyone but her to represent the Philippines in this way. 

More than being a queen, she has all the makings of an icon and we’re proud to be able to house her wax figure at Madame Tussauds Hong Kong for the rest of the world to be able to interact with.”  

 (Danny Vibas)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …