Tuesday , April 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Senado protektado ng Senate Prexy

“Ipinapatupad ko lang ang mga kautusan ng Senado. Hindi si Trillanes ang pino­protektahan ko. Ang dignidad ng senado ang pinoprotektahan ko”

                                — Hon. Tito Sotto
Senate President

SA Krisis na kinakaharap ni Senador Antonio Trillanes IV, bilang miyembro ng Senado, ginagawa ni Senate   President Vicente “Tito” Sotto III ang kanyang trabaho. Hindi pinoprotekhan ni Sotto ang kapwa niya senador, ipinatutupad lang niya ang polisiya ng senado at pinoprotektahan niya ang dignidad ng institusyon  bilang lider.

May tamang panahon para malutas ang problema ni Senador Trillanes. Isa pa, huwag masyadong mainip  ang mga umeepal, hintayin n’yong dumating sa bansa si Pangulong Rodrigo Duterte para maresolba ang isyu na ‘yan.

“For the info of the ‘know it alls’ – JPE and other senators who have warrants of arrest were never allowed to be arrested in the Senate. I know the history in the Senate since 1987. There was an attempt before, yes, but never consummated. Maraming masyadong epal e hindi alam ang history. Ipinapatupad ko lang mga kautusan ng senado. Hindi si Senator Trillanes ang  pinoprotektahan ko. Ang dignidad ng senado ang pinoprotektahan ko,” sagot ni Senate  President Tito Sotto.

*****

Tulad ni Senate President Tito Sotto, isa rin si congressman Robert “Ace”  Barbers, ng ikalawang distrito ng Surigao del Norte, sa mga sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kampanya sa ilegal na droga sa buong Filipinas. Isa kasi iyon sa magandang plataporma ni President Digong, kung kaya’t nakaabot siya sa palasyo ng Malacañang.

Isa sa may karapatan si Barbers na maging Senador kasi bukod sa nagtapos sa De La Salle University, hindi rin mabilang ang naipasang batas ni  Barbers sa Kongreso na nakatulong sa mga Filipino.

Basta Barbers, maging sino ka man tutulugan ka niya. Basta’t sa abot lamang ng kanyang makakaya.

*****

Ang portion na Juan for All, All for Bayanihan of the People ay patok sa mga kababayan natin.

Bawat barangay na napupuntahan ng Eat Bulaga sa buong bansa ay nabibigyan ng kasiyahan at malalaking papremyo para sa mga kababayan natin na masuwerteng nabubunot. Tulong ng number one noon time show ‘yan sa mga kababayan natin.

Kaya suportahan po natin ang EB sa araw-araw sa estasyong may puso. Ano pa, e ‘di GMA 7!

PALABAN
ni Gary P. Sta. Ana

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gary P. Sta. Ana

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mataas na presyo, maling pinupuntirya

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PATULOY ang digmaan sa Gitnang Silangan, at kahit malayo …

Sipat Mat Vicencio

Datem, DMCI at iba pang major construction firms tutulong kay PBBM

SIPATni Mat Vicencio INAASAHANG magiging maayos at matino ang pagpapatupad ng susunod na malalaking infrastructure …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Pagkiling ng Ombudsman sa dating House Speaker depensang garapal nga ba?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA PATULOY na pagbanggit sa pangalan ni Martin Romualdez sa iba’t …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Kapangyarihan vs. pananampalataya sa panahon ng Kuwaresma

PADAYONni Teddy Brul HABANG papalapit ang panahon ng Kuwaresma—isang yugto ng pagninilay, pagsisisi, at pagbabalik-loob—muling …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Sa likod ng oil price hike
Dambuhalang kita ng kompanya, pighati ng masa

PADAYONni Teddy Brul SA BAWAT LINGGO, tila naging normal na ang biglaang taas-baba ng presyo …