Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coco Martin Alden Richards
Coco Martin Alden Richards

Alden, nabigong talunin si Coco

HINDI kami nagulat nang sabihin sa amin kinabukasan ng isang kaibigang nasa isang survey firm na nabigo si Alden Richards na mag-rehistro ng isang upset sa ratings kompara kay Coco Martin. Una, naging habit na nga kasi ng mga tao iyong panonood sa serye ni Coco, kaya nga tumagal iyan ng ilang taon na ang binibilang. Hindi mo naman maaasahang pataubin iyan ng isang serye sa unang sabak lang dahil wala pang pruweba iyon.

Isa pa, naniniwala kaming mas malakas talaga ang batak ni Coco, dahil subok na iyan kahit na sa pelikula. Ang mga pelikula ni Coco na siya ang star, matapos iyang Ang Probinsiyano ay naging malalaking hits. Nakaya nga niyang makipagsabayan kay Vice Ganda eh.

Ang isa pa nga siguro dapat nating isipin, iyong mga naghi-hit na mga fantasy series sa telebisyon, sabihin mo mang kopya rin sa iba, ang basehan ay kuwentong Pinoy. Kagaya niyong Mulawin, iyong Encantadia, iyong Bagani ngayon. Itong serye ni Alden, ang kinopyahan nila ay Norwegian tales. Medyo alien iyan sa masang nanonood ng telebisyon. Kailangan ang ilang panahon para mas maintindihan iyan, kaya hindi mo dapat asahan ang instant ratings.

Unfair din namang sabihin mong bagsak, siguro nga kasi bago lang eh. Kung sabihin nga ng mga Pinoy, “parang nanganganay.”

Tingin din namin, mukhang maling linya ng publisidad na nag-apologize pa si Alden doon sa mga AlDub fan na nawalan ng gana. Mas maganda kung ipinaliwanag nilang hindi naman puwedeng lagi na lang love team. Makasisira rin naman sa kanilang career iyong laging sila na lang ang magkasama. Pero noong nag-apologize pa siya, mukhang mali ang linya.

Ang masakit pa, si Maine Mendoza ay magiging leading lady ni Coco sa susunod nilang pelikula. Lumalabas tuloy na si Coco ang “knight in shining armor” na kumuha kay Maine matapos siyang i-junk ni Alden.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …