SAYANG, dahil masyado kasi siyang busy sa ngayon kaya artista na lang si Coco Martin doon sa pelikula nilang dalawa ni Vic Sotto. Hindi na siya ang director. Kung iisipin mo nga naman, magkano lang ang kikitain ni Coco bilang director, nakatali pa siya sa buong project. Pero nakahihinayang dahil lalabas sana ang mga bagong idea mula kay Coco na maaaring maging batayan ng industriya.
Hindi natin maikakaila na iyang success niyong kanyang Probinsyano, partly dahil sa kanyang mga creative ideas. Hindi lang siya artista riyan eh. Creative consultant din siya. Sinasabi pa nga nila, mostly idea ni Coco ang ginagamit nila sa serye.
Nakahihinayang na hindi na pala siya ang director.
HATAWAN
ni Ed de Leon