Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lloydie, umalma: binyag ng anak ‘di totoo

BINARA ni John Lloyd Cruz sa pamamagitan ng kanyang social media post ang report ng isang on line newspaper tungkol sa tsismis na pinabinyagan daw sa mismong ospital ang anak nila ni Ellen Adarna. Ang usapan nga, bakit sasabihin ni John Lloyd na bininyagan na ang anak nila ni Ellen eh ni hindi nga nila inaamin na buntis iyon.

Iyon namang report na iyon, galing lang sa mga tsimoso na nag-uusap sa internet na nagsasabing nanganak na nga si Ellen noon pang June 27, at tapos pinabinyagan agad iyong bata roon mismo sa kanyang kuwarto sa ospital. May karugtong pa iyong tsismis na iyon. Wala si John Lloyd noong binyagan ang anak nila ni Ellen. Puwede ba naman iyon?

Isipin ninyo, si John Lloyd tinalikuran ang kanyang career dahil sa nangyari sa kanila ni Ellen, tapos kung totoo ngang nanganak na iyon at bibinyagan, papayag ba siyang wala siya? Puwedeng mangyari pero parang kakatuwa naman ang ganoon.

Tingnan ninyo iyong isa pa, si JC de Vera, kung sa bagay hindi naman siya ganoon kasikat kaya hindi masyadong napag-usapan, pero naglihim din. Noong may anak na, inilabas din niya ang anak niya. Sa kaso niya nangyari naman iyon nang walang nakapansin eh, hindi naman kasi sinusundan ng tao ang buhay niya na kagaya ni John Lloyd.

Tingnan din ninyo si James Yap, at ang girlfriend niyang si Michela Cazzola, pati na iyong pati unang pagkikita ng kanilang panganay na si MJ at ng bagong panganak na si Francesa Michelle ay ibinabalita nila sa lahat. Kasi talagang nakatutuwa naman ang ganyan na ipagmalaki mo ang iyong anak.

Kaya naniniwala kami sa isang araw, magugulat na lang kayo at ilalabas din niyang si John Lloyd ang anak niya kay Ellen. Huwag ninyong puwersahing ilabas na ngayon.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …