INIHAHANDA na raw ang isang kuwarto na siyang magiging nursery ng bagong anak nina James Yap at ng kanyang magandang live in partner na si Michela Cazzola na nakatakda nang manganak any day now ng kanilang second baby.
Halata mong excited sila sa kanilang second baby, at maski ang kanilang anak na si MJ ay gustong-gusto na ring makita ang kanyang bagong kapatid.
Iyan ang magandang nangyayari sa buhay ni James, kaya nga kahit na anong parinig pa ang gawin sa kanya hindi na lang niya pinapansin. Bakit pa nga ba niya papansinin iyon eh talaga namang happy na siya sa kanyang buhay ngayon. Magiging dalawa na ang kanyang anak. Talaga namang maganda ang kanyang live in partner kahit na hindi kulapulan ng make up. May plano na rin silang pakasal dahil wala na namang makahahadlang gawin man nila iyon.
HATAWAN
ni Ed de Leon