Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Korina, masaya ang disposisyon sa buhay

ANG ganda ng reaksiyon ni Korina Sanchez sa kung ano-anong bagay na ipinukol sa kanya sa social media matapos na ilabas sa Balitang K iyong feature niya tungkol sa mga masasayang pamilya. Nakasama kasi roon sina James Yap, Michela Cazzola at ang kanilang poging anak na si MJ na may fans na rin ha. Tapos iyong kuwento nila ng kasiyahan dahil in a few more days, may darating naman sa kanilang isang baby girl.

Ewan naman kung bakit kasi may biglang pumutok ang butse sa ganoong kuwento.

Ang naging reaksiyon ni Korina sa kanyang sariling social media account, inilabas ang kanyang picture na masayang-masaya at enjoy na enjoy habang nakasakay sa isang carousel. Wala nang sinabi si Korina, pero maliwanag ang kahulugan, ano man ang sabihin sa kanya ng kahit na sino, wala siyang pakialam basta masaya ang buhay niya.

Dapat naman maging masaya ang buhay niya. Sabihin mang hindi nga siya nagkaroon ng anak, at least buo ang pamilya niya dahil mayroon naman siyang legal na asawa. May anak sa una ang asawa niya, at ang turing ng bata sa kanya ay parang isang tunay na ina rin. Ano pa ba ang hahanapin niya?

Wala na siyang iniintindi sa buhay niya. Naabot niya ang lahat ng dapat niyang abutin sa kanyang career. Hindi niya naranasan iyong matawag na laos, at tinatanggihan ng mga network. Hindi niya naranasan iyong mula sa kanyang kinalalagyang level ay ibagsak ang level niya na parang extra. Marunong naman kasi sa buhay si Korina. Alam niya kung paano patatakbuhin ang kanyang buhay at ang kanyang career.

Ano man ang sabihin, mayroon siyang happy disposition. Hindi siya nagaya sa iba na ang laman ng utak ay puro hapis at dusa sa buong buhay niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …