PALAGAY namin, kailangang linawin ni JC Santos kung ano talaga ang sitwasyon ng relasyon nila ng kanyang girlfriend na si Teetin Villanueva. Inamin ni JC noong media launch ng pelikula nilang Mr. & Mrs. Cruz, na nagkakalabuan nga sila. Pero hanggang doon lang naman ang sinabi niya.
Ang matindi ay nang i-post ni Teetin ang sagot sa isang social media inquiry sa kanya na sinabi niyang, ”he’s not to be trusted. There is no way we’re getting together again”. Maliwanag na nagkaroon ng lost of trust. Pero huwag ninyong pagbintangan si Ryza Cenon, may boyfriend siya, si Cholo Barretto.
Mayroon namang right to privacy si JC, pero matindi ang akusasyong iyon, na niloko niya ang girlfriend niya ng apat na taon.
(ED DE LEON)