PINAGKUKUWENTUHAN nila noong isang araw ang umano ay anak ng isang dating male star, na mukhang sa ngayon ay nagiging paboritong ka-date ng ilang showbiz gays.
Ang sinasabi nila, may katangian iyon na kagaya ng tatay niya, na habulin din ng gays noong panahong iyon. Pero ewan nga ba kung bakit mukhang halos naikot na yata niya lahat ng mga showbiz gay sa ngayon. Mukhang pinagpasa-pasahan din naman siya.
Kawawa ring bata. Kasi naman kung ano-ano ang pinapasukan eh, kaya ganyan din ang nangyari.
(Ed de Leon)