Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Natapilok na paa pinagaling ng Krystall Herbal Oil

Dear Madam Fely Guy Ong,

Matagal ko nang subok ang Krystall Herbal Oil ninyo.

Katunayan lagi ko nga itong ipinangreregalo sa ilang kaibigan lalo na ‘yung mga nangangai­langan.

Sa aking pamilya, madalas na ginagamit namin ito sa mga baby. Pambanyos bago maligo, bago matulog sa gabi at tuwing may nararamdaman sa alinmang bahagi ng katawan.

Kapag sumasakit ang tiyak at hindi makapaglabas ng masamang hangin, lalagyan lang ng langis ang bulak tapos lalagyan ng isang pirasong asin saka ilalagay sa pusod, maya-maya lang mauutot na at mawawala na ang sakit ng tiyan.

Pero nitong October 30, natapilok ako dahil sa alanganing steps sa hagdan ng aming city hall.

Hindi ko pinansin noong una pero noong gabi na, nakita ko ang pamamaga at matinding kirot.

Agad kong hinaplos ng Krystall Herbal oil at pagkatapos ay binalot ng bondage. Ginagawa ko ito gabi-gabi o pagkatapos kong magbanyo. Ingat na ingat akong huwag mabasa ang natapilok na paa.

Sa ikatlong araw, napuna  ko ang pag-impis ng maga pero may kirot pa. Noong ikalimang araw, hinilot ng isang kaibigan kong eksperto sa tipalok. Kinabukasan tuluyan nang  nawala ang pamamaga.

Kahit kailan ay hindi mawawala ang bilib ko sa Krystall Herbal oil at sa iba pang produkto ng FGO Foundation.

Thank you so much, Madam Fely.

Sumasainyo,
Gloria Orozco

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

SM Foundation medical mission Olongapo

Social good partners, SM Foundation mount medical mission in Olongapo

Volunteers man the SM Foundation’s Mobile Clinic, providing assistance to patients undergoing electrocardiograms (ECGs) and …