WALA na ngang duda. Hindi na masasabing fake news, ang balita na nag-suicide ang nakababatang kapatid ni Nadine Lustre. Wala silang statement tungkol doon at karapatan nila iyon. Sinasabi naman nilang sa palagay nila ay walang foul play dahil tiyak silang self inflicted ang pamamaril.
Hindi mo nga maitatago dahil sa messages sa internet, bukod pa nga sa may celebrities na kagaya ni Gary Valenciano na kumanta pa sa wake. Mayroon pang isang picture na may idinaraos na misa at mukhang nagbabasa ng readings si Nadine mismo.
Pero hindi nila maiiwasan ang imbestigasyon, dahil kahit na self inflicted ang nangyari, kailangang malaman din kung sino ang may-ari at kung saan nakuha niyong bata ang baril. May pananagutan pa rin ang may ari ng baril.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com