Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maine at Sef, ’di pa rin tinatantanan ng bashers; totoong relasyon, sinisilip

ILANG buwan na rin naman iyang mga tsismis at nag-deny na rin naman sila pareho, pero ewan kung bakit nga ba ayaw pang tantanan ng mga basher sina Maine Mendoza at Sef Cadayona. Lumilitaw pa rin kasi ang mga tsismis at ilang sources na nagsasabing totoong may relasyon pa ang dalawa sa kabila ng kanilang denial.
Obvious na ang mga gigil na gigil sa mga kuwentong ganyan ay iyong mga Aldub fan na ang pakiramdam ay naaapi ang kanilang idol na si Alden Richards dahil ang kanyang ka-love team na si Maine ay may ibang gusto at sinasabing tunay na karelasyon. Ang nakapagtataka, wala naman sa kanilang nagba-bash kay Alden o sumisisi roon na baka ganyan ang nangyayari ay dahil hindi naman niya nililigawan nang totohanan si Maine.
Kung sabihin nga “it takes two to tango”. Unfair naman siguro kung maghihintay na lang nang maghihintay si Maine kung hindi naman siya diretsahang nililigawan ni Alden. Kung seryoso naman kasing pumoporma si Alden, napakalaki na ng kanyang advantage dahil tanghali pa lang ay kasama na niya si Maine araw-araw. Paano pa nga bang makaPapasok si Sef kung ganoon?
Kung totoo nga ang tsismis ng mga basher na nakasisingit ng panliligaw si Sef kay Maine, baka may pagkukulang din naman si Alden.
Basta ang paniniwala namin, walang mangyayari riyan sa patuloy nilang pamba-bash kina Maine at Sef. Imbestigahan din nila kung bakit para namang napakahinang manligaw ni Alden. Mukhang may problema rin naman sila sa bagay na iyon.
Isa pa, palagay naman namin nagagawa nina Alden at Maine ang trabaho nila bilang mga artista at magka-love team, bakit pa nga ba kailangang panghimasukan ng fans ang kanilang personal na buhay?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …