Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

Tainga ng kapatid bumuti sa Krystall

Dear Sis Fely,

Magandang buhay po, sumasainyo ang pagpapala ng panginoon Yahweh El Shaddai sa ngalan ng bugtong niyang anak na si Jesus Kristo, at sa buo mong pamilya.

Ako po si Sis Petra E. Aradales, 52 years old, taga-San Pedro Laguna. Ang patotoo ko ay tungkol sa kapatid kong nakatira sa Batangas nang malaman ko po na ooperahan siya sa tainga.

Kasi po ay may bukol sa loob, tatlong doktor na po ang tumingin sa kanya. Kaya nagpunta agad ako sa Batangas, Dinalahan ko siya ng Krystal Herbal Oil, Yellow Tablet at Nature Herbal Tea.

Hinilot ko ang tainga niya ng Krystal Herbal Oil pinainom ko ng Yellow Tablet 3x a day at Nature Herbal Tea 3x a day.

Noong ginawa ko iyon, ‘di na raw masakit at nakakatulog na siya. Pero tuloy pa daw ang opera sa kanya. Sabi ko sa kanya kapag naubos ang dala kong gamot bumili uli siya ng oil, yellow tab, nature herbs at dagdagan niya ng Fungus.

Itinuro ko ang “Luz Pharmacy” sa Lipa City kasi iyon ang narinig ko sa radyo. Kaya lang wala raw Fungus sa “Luz Pharmacy.”

Sis Fely ang maganda pa po para akong herbalist doon nang bumalik ako sa Batangas epektibo sa kanilang kapitbahay at kamag anak ko. Kaya itinuro ko uli sa kanila ang Luz Pharmacy doon sila bumili at nagbigay po ako ng flyers ng FGO doon kasi marami po ako kinuha noong nag-anniversary tayo.

Sis Fely marami pong salamat sa inyo at sa products ninyo, nawa in Jesus name, humaba pa ang buhay ninyo nang marami pa kayong matulungan. Marami pa po akong patotoo pero mahaba na po ito.

Maraming salamat uli.

Sincerely,
Sis Petra
09330580868 – C.P.
San Pedro Laguna City

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …

Krystall Herbal Oil 500ml FGO

YES!
FGO Krystall Herbal Oil 500 ml promo extended hanggang Chinese New Year

MAGANDANG ARAW po sa mga suki at solid users ng Krystall Herbal Oil. Gaya ng …