Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon, ‘lumuha’ sa takilya

MASAKIT isipin na “lumuha ang buong pamilya sa takilya.” Hindi naging isang malaking hit ang pelikula ni Sharon Cuneta nang magkaroon iyon ng commercial theatrical release kagaya ng mga pelikulang ginagawa niya noong araw. Pero hindi kami nagtataka kasi indie iyan eh, at simula pa, idinidiin nila na isang indie nga ang ginagawa ni Sharon. Eh talagang ang mga tao, bargain na nga ang bayad sa sinehan doon sa sineng local nila eh, nakakaloka at wala pa ring nanonood. Ang kaibahan nga siguro sa ginawa ni Congresswoman Vilma Santos, bagamat isa rin iyong indie, hindi idinidiin na indie iyon. Ang sinasabi ay kung gaano kaganda ang pelikula, ang maraming artistang sumuporta sa pelikula, dahil iyon ay tribute sa maliliit na film workers, iyong mga extra. Ang mga tao naman nanood ng sine, at saka iba talaga ang pagiging aktibo ng mga Vilmanian eh. Nagbabayad sila sa panonood ng sine, hindi kagaya ng ibang fans na todo sigaw pero ayaw manood.

Gaya nga niyong fans ng isang indie star nakaistambay lang sa labas ng sinehan pero ayaw namang magbayad at pumasok. Minsan nga concert ng idol nila, naroroon silang lahat sa labas ayaw ding manood kasi may bayad. Ang mga fan ni Vilma hindi ganyan ha, kaya wala kang makitang pelikula ni Vilma na pito lang ang nasa audience, o sinasabing nakakapitong tugtog na ng Lupang Hinirang wala pang nanonood. Kaya nga inalis na ng mga sinehan iyong tugtog ng Lupang Hinirang, basta hindi sila nagbubukas habang walang bumibili ng tickets, at kung tatlo o apat lang ang bumili, nagre-refund na lang sila dahil lugi talaga iyon. Eh sino ba ang gustong malugi? Ano sila hilo?

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …