BAGONG gimmick ito. Ayon sa aming source, ang gumagawa ay isang dancer na sumasayaw din naman sa mga TV show. Magpapadala siya ng isang maikling scandal video ng kanyang sarili sa kanyang mga kakilala, tapos hihingi siya ng “panggastos”, at ang pangako niya ay magpapadala siya ng isang mas mahabang video oras na matanggap na niya ang “panggastos”.
Puwede pa raw mag-request ang sponsor kung ano man ang gusto niyang mapanood sa video.
Talaga bang ganoon na kahirap ngayon at pati ang mga ganyang klaseng raket ay pinapasok na nila? (Ed de Leon)