“Ipit na rin ako eh. Titigil na ang sustento ko kung hindi ko siya pakakasalan,” sabi ng isang dating male bold star na kamakailan naman ay nagpakasal na sa syota niyang Japayuki. Iyong Japayuki naman kasi ang nagsusustento sa kanya at maging sa mga anak niya sa una niyang asawa. Kung puputulin na nga ng japayuki ang sustento, malaking problema iyon sa kanya.
Kaso ang isa pang problema, padadalhan pa rin kaya ng boyfriend niyang Japanese ang Japayuki kung malalamang nagpakasal na iyon sa dating male bold star? (Ed de Leon)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com