ANO ba naman iyang sagutan nina Ahron Villena at Cacai Bautista? Wala na kasi eh. Tapos na ang mga usapang iyan, hanggang sa may nabanggit na naman si Kakai na hindi naman mapalampas ni Ahron na naniniwalang walang pakialam ang kahit na sino sa mga bagay na personal na.
Simple lang naman ang naging tanong ni Ahron kay Kakai, ”bakit naging tayo ba? Ang alam ko hindi naman naging tayo.”
Masakit iyon, lalo na’t may panahong pinag-usapan din ngang nagkaroon silang dalawa ng relasyon, kahit na noon pa naman ay may nagsasabi nang gimmick lang iyon. Pero mukha ngang kumagat si Kakai. Pero naku, may isa pang susunod na ang kuwento kagaya rin niyang sina Ahron at Kakai. Hintayin lang ninyo.
HATAWAN – Ed de Leon