PANAY ang post ng isang male star ng kanyang halos hubad na pictures sa social media. Hindi lang siya naka-underwear. Kung minsan masyado pang compromising ang ipinakikita niya sa kanyang underwear. Walang dudang matatawag na nga siyang isang “exhibitionist”.
Kagaya rin siya niyong mga manyakis na gumagawa ng mga kabastusan sa mga public transport. Mas bastos pa nga siya dahil inilalabas niya sa social media eh.
Pero may nagbulong sa amin ng sikreto. Ginagawa pala niya iyon para makatawag siya ng pansin. Basta may pumansin sa kanya at kumontak sa social media, ayos na ang kanyang “sideline.”
May parinig pa nga siyang ”kahit na ano gagawin ko para sa mga anak ko.”
(Ed de Leon)