ISA na namang Muhlach ang ilo-launch sa stardom, si AJ Muhlach. Pero hindi na siya matinee idol na kagaya ng kuya niyang si Aga. Siya ay ilo-launch na ngayon bilang isang action star doon sa pelikulang Double Barrel ni direk Toto Natividad.
Pero higit siguro sa kaba ni AJ, mas kinakabahan ang tatay niyang si Cheng Muhlach. ”Ganyan naman ako sa mga anak ko. Kay Aga noon mas malakas pa ang kaba ko. Alam mo naman itong pamilya namin nasa showbusiness talaga, kaya ang pasok ng bawat isa nasusukat. At siyempre iba ang feeling kung anak mo,” sabi ni Cheng.
Pero malakas ang kutob namin na makalulusot na si AJ this time.
HATAWAN – Ed de Leon