NAKALADLAD na rin pala ng isang gay actor ang isang male newcomer sa “alam na ninyo kung saan”. Talagang matinik sa mga ganyang bagay ang gay actor na iyan. Talaga namang ginamit niya ang lahat ng kanyang mga “galamay” para makilala at maka-date ang poging newcomer.
Talagang malaki ang nagagawa ng impluwensiya at “maraming pera”. Ang balita kasi may nauna na raw talaga sa poging newcomer, pero nagawa pa rin siyang “arborin” ng gay actor sa naunang nakakuha, eh kasi pinangakuan naman niya iyon ng movie projects, na mahirap hanapin sa ngayon.
Iyon namang poging newcomer, sabi nga ng mga dati nang kakilala noon ay “kaladkarin naman talaga iyan kahit na noon pa”.
(Ed de Leon)