Tuesday , March 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diether, ‘di na pang-leading man

IBA na ang hitsura ni Diether Ocampo noong makita namin sa TV. Parang napakalaki ng itinanda ng kanyang hitsura. Mukhang roles na lang talaga ng mga tatay ang maaari niyang asahan.

Tingnan ninyo ang ginagawa ng network nila, hindi ba ang pinupuhunan ay ang personalidad at magagandang katawan nina Jak Roberto, Ken Chan at iba pa nilang kasama? Hindi ba’t ang sinasabing nagpapataas ng ratings ng isa nilang drama ay iyong personalidad ng baguhang si Gil Cuerva? Ano ang character ng mga iyan kundi bata, guwapo, maganda ang katawan, at tinitilian ng mga babae at bading. Palagay namin hindi mo na maililinya sa ganoon si Diether.

Kung hindi na, paano mo naman siya gagawing leading man?

Blog page para sa mga PR

LAHAT ay nagsasabi sa amin, ‘bakit hindi ka rin gumawa ng blog page. Kaya nga gumawa kami pero kung ang iniisip ninyo ay doon ninyo mababasa ang lahat ng magagandang kuwento, mali kayo. Roon namin ilalagay ang mga istoryang hindi kasing ganda ng lumalabas sa aming mga column. Pandagdag lang iyon sa mga nagpapadala ng press release. Pero iyong magagandang kuwento, rito pa rin ninyo mababasa sa column namin sa Hataw. Sinasabi lang namin ito para maliwanag.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Beautéderm Rhea Tan namahagi ng tulong delivery riders tricycle drivers

Beautéderm CEO na si Rhea Tan, namahagi ng tulong sa 200 delivery riders at tricycle drivers 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NABIYAYAAN ang 200 delivery riders at tricycle drivers ng mga …

Salome Salvi

Kasong isinampa kina Salome at Tyo Bri ng KSMBPI tuloy pa rin

HARD TALKni Pilar Mateo TULOY pa rin ang paghahatag ng kaso ni Dr. Michael Raymond A. …

Chanty Marian Rivera

Chanty kumasa kay Marian, nagpagiling-giling at ‘di nagpahuli sa pagkembot 

I-FLEXni Jun Nardo KUMASA ang baguhang si Chanty kay Marian Rivera para sayawin ang Marimar dance icon na nagpasikat sa GMA …

Joseph Bitangcol Sandara Park Park Bom

Joseph ipinagtanggol si Sandara: 100% na hindi niya gagawin ‘yon

MA at PAni Rommel Placente Walang pagdadalawang-isip na ipinagtanggol ni Joseph Bitangcol ang ex- girlfriend na si Sandara …

Nicole Sonora Sheryl Cruz Boy Abunda Rams David

Anak ni Sheryl na si Nicole papasukin na rin pag-aartista 

MA at PAni Rommel Placente DAHIL artista ang kanyang inang si Sheryl Cruz at mula sila sa …