MEDYO malungkot din naman si Sunshine Cruz dahil hindi na naman natuloy ang hearing ng kanyang petition for annulment matapos na hindi sumipot ang abogado ng kanyang “ex”. Postpone na naman iyon hanggang sa June. Sa parte kasi ni Sunshine, wala na siya halos hinihingi sa kanilang paghihiwalay ng kanyang”ex” dahil nasusuportahan naman niya ang kanyang sarili, ganoon din ang kanyang mga anak. Ang gusto na lang niya makuha ay ang annulment.
Hindi naman nangangahulugan iyon na mag-aasawa na siya agad kung makakuha siya ng annulment, kaya nga lang gusto naman niyang ma-plano nang husto ang kanyang buhay hanggang maaga, para naman maayos na ang kanyang kasunod na relasyon.
“Basta ako natuto na. Hindi puwede sa isang relasyon ang puro puso. Kailangan may isip din lalo na nga ngayon na may tatlo na akong Maria,” sabi ni Sunshine.
HATAWAN – Ed de Leon