SABI nila, kung may kaaway ka, turuan mong mag-produce ng pelikula. Kasi kung hindi marunong ang producer dito, talagang maloloko ka. Ilang milyong piso na raw ang nakuha ng isang line producer doon sa producer ng isang indie film. Pero ang dami nilang tauhan na hindi nasusuwelduhan, at tinitipid pati na ang production design.
Sabi-sabi, nagbunganga raw ang production designer nang bigyan siya ng P500 para sa isang eksena na ang kukunan ay isang fiesta. Kawawa ang talagang producer niyan. Hindi na kikita dahil indie nga, niloko pa ng line producer niya.
(Ed de Leon)