Thursday , June 4 2026
richard gomez ormoc
richard gomez ormoc

Richard, gustong panagutin si Espinido

“MAGKIKITA na lang kami sa korte. Hindi naman kasi iyan ang una. May nauna pa riyang mga nangyari na alam ko politically motivated lahat,“ ganyan ang naging pahayag ni Mayor Richard Gomez kasabay ng kanyang pagsasabing inutusan na niya ang kanyang abogado na ipagharap ng sakdal si Albuerra Police Chief Jovie Espinido. Si Espinido ang itinuro ni Major Leo Laraga na nagsabi sa kanya na si Gomez ay kasama sa mga nilagyan ng anak ng pinaslang na mayor  Rolando  Espinosa. Ang anak ni Espinosa na si Kerwin ang sinasabing isa sa pinaka-malaking drug lord sa Visayas.

Pero ang pangalan ni Gomez na kauupo pa lamang bilang mayor nitong taong ito ay wala sa sinumpaang pahayag ni Mayor Espinosa. Sinasabi ni Espinido na nasabi lang daw sa kanya ng mayor na sangkot nga si Goma. Itinuturo rin ni Espinido na hindi siya kundi si Laraga ang nagsabi niyon sa hearing ng senado. Gayunman, sinabi nga ni Goma na may iba pang pagkakataon na may nasabi na laban sa kanya si Espinido, na sinasabi niyang kakampi ng kanyang mga kalaban sa politika.

Kung totoo mang nasabi ni Mayor Espinosa ang mga bagay na iyon, wala nang makapagpapatunay sa ngayon dahil patay na siya. Kaya ang talagang puputukang pinagmulan ng paninirang iyon ay si Espinido.

Si Gomez ay dating chairman ng Mamamayan Ayaw sa Droga Foundation, katunayan  bago pa siya naging mayor, at bago pa man ang laban ni Duterte laban sa droga ay may ginagawa na si Goma sa kanyang kapasidad bilang isang pribadong mamamayan laban sa salot na droga.

Si Goma ay naging presidential assistant din  for Sports and Youth Development noong panahon ni Mayor Erap bilang president, at may programa rin siya noon laban sa mga ipinagbabawal na droga.

Si Goma ay isa ring national athelete sa fencing, rowing, target shooting, at volleyball, at minsan na ring naging head of mission ng Philippine Delegation sa SEA Games.

Paano mo nga ba masasabing ang isang taong may ganyang record ay magiging involved sa droga?

Pero mariin na ang paninindigan ni Goma, na gusto niyang patunayan sa pamamagitan ng korte na may malisya ang pagbibintang na ginawa sa kanya ni Espinido, at gusto niyang panagutan niyon ang paninira sa kanyang pangalan.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …