NATAWA kami sa kuwento ni Direk. May nakilala raw siyang pogi na naging model sa isang magazine. Nagkuwento sa kanya ng mga sob stories. Naawa naman siya at tinulungan niya. Pero nakahalata rin siya, simula noon maya’t maya ay tumatawag na sa kanya na kailangan ng pera. Siguro nahalata rin naman niyong model na crush siya ni direk kaya ganoon.
Mabuti naman natauhan agad si direk, kung hindi baka nahuthutan na lang siya nang husto ng poging model, na hindi rin naman siya pinatulan in the end.
( Ed de Leon )