Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pag-walk-out ni De Lima, natabunan ng pagkakahuli kay Mark Anthony

NATABUNAN  ang istorya ng pagwa-walk out ni Senador Leila de Lima sa hearing ng Senado nang pumutok ang balitang nahuli ang actor na si Mark Anthony Fernandez, na may dalang isang kilo ng marijuana sa Angeles City. Naging laman iyon ng mga late evening newscast sa telebisyon at pinag-usapan sa social media hanggang madaling araw. Natalbugan nga si de Lima.

Ayon sa mga balita, sinubukang lampasan ni Mark ang isang checkpoint ng pulisya sa Angeles City kaya siya hinabol ng mga iyon. Nahuli naman siya at nakita sa loob ng kanyang kotse ang isang kilong marijuana. Sa unang imbestigasyon, sinabi ni Mark na iyon ay ginagamit niya bilang gamot sa cancer. Nang malaunan, sinabi niya sa isang interview na hindi kanya ang isang kilong marijuana, at aktong bibili pa lang sana siya ng marijuana nang nagkahulihan at tumakbo ang dealer na kausap niya. Bagamat ginagamit ngang gamot ang marijuana sa ilang estado sa Amerika, iyan ay itinuturing pa ring kabilang sa listahan ng “dangerous substance” sa Pilipinas. Kasama pa rin ang marijuana sa listahan ng mga substance na ipinagbabawal sa ilalim ng dangerous drugs act.

Nauna naman diyan, hinuli rin ang starlet na si Krista Miller, matapos siyang ituro bilang siyang supplier ng droga ng dalawang modelo ng isang sexy mens’ magazine. Ang dalawang modelo na kinilalang sina Liaa Alelin Boila at Jeremie Padolina ay nahuli noon pang nakaraang linggo. Nang madampot, isinigaw naman nila si Miller.

Si Miller ay unang nakatawag ng pansin sa showbiz noong mabalitang siyang dahilan din umano ng paghihiwalay nina Sunshine Cruz at Cesar Montano ilang taon na ang nakararaan. Matagal na rin namang hindi lumalabas iyang si Miller na ang huling natatandaan naming proyekto ay nang makasama siya sa isang reality show noon sa TV5.

Mukhang nagkakasunod-sunod na nga yatang nahuhuli ang mga celebrities na sangkot sa droga, hindi pa man inilalabas ang drug list na sinasabing binubuo ng 50 celebrities. May mga nauna nang nagpa-drug test sa mga pribadong medical laboratories pero sinasabing hindi nga iyan kikilalanin kung hindi isinagawa sa ilalim ng supervision ng PNP.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …