PATULOY pa ring subject ng mga usapan ang dalawang bagets na tumigok sa isang barangay captain. Hindi natin mabanggit ang mga pangalan dahil minor iyong isa, pero lumalabas na siya pala ang mas sikat. Bukod sa rati nga siyang dancer sa Walang Tulugan, nagkaroon pala siya ng role doon sa book 2 ngPangako sa Iyo.
Ibig sabihin, tumatakbo na sana ang showbiz career niyong bata, kung hindi nga lang nasangkot sa krimen na iyan.
Lumalabas din sa usapan na ang totoo, nadamay lang siya sa mga pangyayari. Sayang siya.
HATAWAN – Ed de Leon