KUNG iisipin mo, ang talagang stars doon sa Pinoy Boyband Superstars ay iyong mga contestant. Sila talaga ang dapat na bigyang pansin. Sila ang naglalaban eh. Iyong judges na naroroon ay parang support lamang nila, para magkaroon naman ng star value ang show.
Pero siguro nga, dahil sa tagal ng panahon na hindi napanood si Aga Muhlach kahit na saan at dahil na rin sa katotohanan na nariyan pa rin naman ang kanyang fans, siya ang madalas na mapag-usapan sa show na iyon. Para bang ang binabantayan ng mga tao ay ang kilos niya at kung ano ang kanyang magiging reaksiyon sa mga contestant.
Malaking bagay iyon para sa show, dahil lumalabas na tinatalo nila ang kalabang show nila dahil sa batak ni Aga. Mahirap talagang kasabayan ang isang matinee idol.
HATAWAN – Ed de Leon