NATUWA naman kami sa narinig naming balita na mabilis naman pala ang nagiging recovery ng beauty guru na si Fanny Serrano. Nagkaroon ng isang mild stroke si Tita Fanny at isinugod nga sa Heart Center na roon nanatili sa ICU ng ilang araw. Ngayon naman daw ay on the way to recovery na siya, bumaba na rin ang kanyang blood sugar, mas nakapagsasalita na ng diretso at ang kaliwang bahagi ng kanyang katawan na parang namanhid noon ay naikikilos na niya ng kaunti.
Siguro nga iyong matibay na pananampalataya ni Tita F ay nakatulong din naman ng malaki para sa kanyang mabilis na paggaling. Pero kailangan pa rin niya ng mga panalangin para tuluyan na siyang maka-recover sa nangyaring iyon sa kanya.
HATAWAN – Ed de Leon