Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Richard aka Mr. Pastillas, recording artist na!

PRODUKTO ng It’s Showtime ng Kapamilya Network si Richard Parojinog bilang si Mr. Pastillas 2015. Hindi ko matandaan kung ilang buwan ko na siyang inaalagaan. Pero ang natatandaan ko ay ang petsang ito, September 16, na tuluyan na ngang pumirma ang alaga ko ng one year Digital (Optional) Contract bilang recording artist ng Ivory Music & Video.

Actually, nasa Midsayap ako noong matanggap ang text ni Sir Jon Daza ng Ivory Music na approve na si Richard sa aming big boss. Kaya naman noong ibinalita ko ito kay Richard ay tuwang-tuwa gayundin ang kanyang supporters and followers na laging nariyan for the past one year to support him huh.

Isang exclusive contract po ito na magre-record na si Mr. Pastillas ng kanyang kauna-unahang digital single under Ivory Music & Video. Ilang buwan ko rin itong ipinaglaban at ipinagdasal dahil alam kong this will be the start para sa mas marami pang opportunities kay Richard.

Ayon sa mga kaibigang nakausap at nagparating ng kanilang pagbati, deserving naman si Richard dahil unang-una, napakalinis at napakaganda ng kanyang boses. Pangalawa, guwapo ito at maipagmamalaki ang physical look.

Abangan po ninyo ang kanyang digital single guys at kapag nandiyan na ay i-download po natin ha para kumite.

I just wanna say thank you sa Ivory Music sa tiwalang ibinigay ninyo sa aking alaga. Thank you Jon Daza at Gina Mauricio Joyce, at Ate Grace Lapuz and Kuya Fil.

REALITY BITES – Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …