SIGURO ni sa panaginip, hindi maiisip noong araw ni Gabby Concepcion na magkakaroon siya ng anak na magiging Miss Sweden. In the first place hindi naman siya nagka-anak doon. Pero ang isa sa kanyang pinakasalan noong araw na si Jenny Syquia ay nagpunta sa Sweden at nakapag-asawa ulit doon at ang kanyang naging anak kay Gabby na si Chloe ay inampon na ng kanyang asawa matapos silang magpakasal, at dahil doon ang anak ni Gabby ay naging isang Swiss national na rin, kaya naging qualified siya sa Miss Sweden.
Siya ang kinatawan ng Sweden sa international pageant na Miss Earth. Hindi iyon kasing sikat ng Miss Universe o Miss International, pero iyon ay isa ring international title.
HATAWAN – Ed de Leon