MAY nagkakalat na ginamit daw siyang stand in ni James Reid. Kinunan daw si Reid sa isang commercial na kanyang ginawa, tapos iyong katawan na niyong stand in ang ginamit sa mga parteng hindi kita ang mukha ni James. Siyempre pinalalabas ng stand in na mas maganda kasi ang katawan niya kaysa kay James.
Hindi pinatulan ni James o ng mga manager niya ang issue. Sa halip pinabayaan nilang iyon mismong kompanya ng produktong ineendoso ni James ang maglabas ng “behind the scene” video ng commercial shoot na iyon. Makikita sa mga wild shots na si James talaga lahat iyon at walang stand in. Bakit nga ba sinasabi nilang kailangan pa ni James ang stand in para ipakita lamang ang katawan niya?
HATAWAN – Ed de Leon