Thursday , June 4 2026

Sunshine, double win — maganda na, may career pa

IBANG klase ang paghahanda ni Sunshine Dizon sa mga nangyari sa kanya. Alam naman natin na may hinaharap siyang controversy, iyong kanyang demanda laban sa kanyang asawang si Timothy Tan. Talagang nagpaganda muna nang husto si Sunshine.

Ngayon lang siya nagsisimulang mag-post kung ano ang kanyang ginawa. Nagpa-lipo pala siya para mabilis na mabawasan ang kanyang timbang. Noong isang araw, may post naman siya para sa isang facial treatment. Kung titingnan mo naman, talagang mas maganda pa si Sunshine ngayon kaysa noong dalaga pa siya.

Marami nga ang nagtatawa, paano kaya naisipang humanap pa ng iba ng kanyang asawa ganoong mas maganda naman si Sunshine kaysa nahanap niya?

There was a time na medyo nagpabaya rin si Sunshine. Nakita namin siya minsan na medyo mabigat ang timbang. Wala siya sa porma noon. Pero siguro nga kaya medyo nakapagpabaya siya ay dahil may problema na sa kanilang pamilya. Pero maganda ang kanyang naging desisyon. Kailangang magpaganda siya nang husto. Kailangan niyang mag-shine, para kung ano man ang mangyari siya pa rin ang panalo.

Tingnan ninyo ngayon, dahil magandang-maganda nga siya, dumarating ang mga assignment sa kanya. Nabuhay ang kanyang career. Kailangan niya iyon para masustentuhan ang mga pangangailangan ng kanyang mga anak, habang hindi pa naman maliwanag kung ano nga ang pananagutan ng kanyang asawa sa mga iyon.

Sabi nga nila, double win ngayon si Sunshine. Maganda na siya at maganda pa ang kanyang career. Siya ang talagang panalo.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …