NGAYONG sinasabing nagbabalik si Kris Aquino sa telebisyon, dahil mema lang pala ang sinabi niyang gusto niyang manirahan ng dalawang tao sa US para masanay ang kanyang mga anak sa simpleng pamumuhay, at siguro nga dahil nakita naman nila na hindi benggatibo siPresidente Digong, delikado ang show na pumalit sa kanyang dating morning slot.
Saan mo pa nga ba mailalagay iyang si Kris kundi sa morning show na lang ulit, na ang pinag-uusapan ay travel, mga pagkain at kung ano-ano pa. Magaling naman siyang mag-interview, kaya mas maganda roon kaysa paartehin pa siya.
Mapapalitan ba ang kanilang morning show ngayon?
Aba kung mangyayari iyan, mukhang mapatutunayang wala ring masyadong puwersa ang tinatawag nilang “queen mother”. After all nanay lang naman siya, hindi siya iyong sikat talaga.
HATAWAN – Ed de Leon