IBA na raw ang gimmick ng isang dating male star para siya mabuhay. Dahil may edad na rin naman siya at hindi na mukhang desirable, tapos nawalan na ng gana sa kanya iyong isang bading na naggi-give pa sana sa kanya, puro naman utang sa mga kakilala ang ginagawa niya ngayon.
Ang kanyang pangako, babayaran naman niya oras na dumating na ang perang padala sa kanya ng Japayuki na kinakasama niya.
Ganyan iyong mga naging artista na, hindi pa pinagbuti ang trabaho kaya hindi sumikat. Nakahawak na kahit na kaunting pera hindi pa iningatan. Bukod doon, makikita mo malakas naman pero ayaw magtrabaho, kasi ang gusto easy money. Malabo na iyang mga ganyan sa ngayon lalo na at tumatanda na rin naman siya.
( Ed de Leon )