NAKATUTUWA naman ang narinig naming maganda ang naging resulta niyong premiere ng pelikula ni Kiray Celis, iyong I Love You To Death. Maganda iyang nagkakaroon naman ng pagkakataon ang mga baguhan sa pelikula, hindi iyong pare-pareho na lang ang mga artista. Hindi rin iyong matatanda na eh pinipilit pa ring lumabas sa role ng mga bata.
Iyang pelikulang iyan, hindi masyadong malaki ang casting, pero sinasabi nga ng mga nakapanood na, na mahusay ang pagkakagawa ng pelikula. Hindi siya mukhang pelikulang tinipid. Hindi siya mukhang quickie. Hindi rin siya mukhang indie. Mukha siyang totoong pelikula.
Hindi ba ganyan naman dapat ang ginagawang pelikula talaga.
HATAWAN – Ed de Leon