SABI pa niyong reporter sa amin, ”sana pinanood ko na lang iyong ‘I Love You To Death’ ni Kiray Celis, natawa pa ako at hindi nahilo”. Sa obserbasyon din niya,”mas kumita ang pelikula ni Kiray dahil mas marami ang nakita kong pumasok kaysa pinanood ko.”
Iyong pelikula ni Kiray Celis, comedy iyon. Hindi rin malaki ng budget ng pelikulang iyon. Pero mas may appeal sa masa. Alam ng producer niyon na si Lily Monteverde kung anong pelikula ang gusto ng masa, kasi isa siyang movie fan, bukod sa katotohanang siya ay may-ari ng mga sinehan. Alam niya kung ano ang pelikulang kikita.
Wala siyang pretentions sa mga ginagawa niyang pelikula. Gumagawa rin naman siya ng mga pelikulang nananalo ng mga award, pero ang mga pelikulang iyon na ginastusan niya ng mas malaki, ay mas kumita rin. Kailangan talaga alam mo kung ano ang kikita.
HATAWAN – Ed de Leon