Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rave party, sinugod ng JaDine fans

HINDI raw nagtagal iyong concert-rave party noong isang gabi sa MOA. Ang nagkuwento naman sa amin ay iyong mga pulis mula sa Pasay City. Marami raw taong nanood. Kasi bukod doon sa mga international artists, kasama rin doon sina James Reid at Nadine Lustre. Eh iyon lang JaDine, simpleng meet and greet lang dahil doon sa libro nilang Team Real, sinugod ng mahigit na 10,000 tao, eh iyan pa bang may performance sila.

Pero ang kuwento nga niyong mga kaibigan naming pulis, noong umikot daw sila ng mga 1:00 a.m., pauwi na iyong mga ibang pulis na na-deploy doon. Akala nga raw nila tatagal ng hanggang madaling araw kagaya niyong concert na may limang namatay.

Hindi rin naman daw ganoon ka-wild ang mga nanood. May nagsasayawan din pero hindi masyado. Kasi nga walang nakapasok na droga. Iyong mga nagwawala naman sa mga concert, iyan ang mga nakatira talaga ng party drugs, lalo na nga ng ecstasy. Kung manonood lang naman, hindi naman ganoon talaga ang behaviour eh.

Mabuti naman at hindi na naulit ang naunang trahedya. Aba eh matakot na sila. Hindi sila talaga bibiruin ng droga. Hindi rin naman bibiruin ang mga pusher ng droga ngayon. Iyang mga pusher na iyan, hindi na puwedeng magpa-bebe. Mememete na sila.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …