KEPT man, o sa madaling salita “boytoy” ng isang retired Japayuki, na tumigil na matapos na maanakan at sinustentuhan na lang ng asawa niyang Japanese, ang isang dating male star. Wala raw kasing makuhang trabaho ang male star. “May katamaran naman kasi,” sabi ng iba niyang kakilala.
Ngayon, binubuhay na nga lang siya ng kanyang girlfriend, na umaasa naman sa naging asawa niyong Japanese. Paano kaya kung malaman ng Hapon ang ginagawa ng kanyang misis. Pinatira pa ni misis ang male star sa kanyang bahay na ipinagawa para sa kanya ng Hapon.
( Ed de Leon )