Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, muling nabastos sa Clark

NAKALULUNGKOT lang dahil hanggang ngayon ay ayaw pa rin tantanan ng bashing itong si Daniel Padilla.

Kamakailan, papalipad na lang papuntang Barcelona, Spain sina Daniel at Kathryn Bernardo, aba’y pati sa airport ng Clark ay may nambastos sa kanya after magpa-picture.

Nagmura raw kasi si Daniel ng, “Mga gago ‘to, pa-picture ng pa-picture.”

Actually, wala po kami sa sitwasyong ito. Hindi po namin nasaksihan ang pagmumurang ito raw ni Daniel after may nagpa-picture sa kanila.

Ayon pa sa isang post, narinig daw pala mismo nitong nag-post na nagpa-picture with Daniel and Kathryn ang pagmumura nang talikuran ni Daniel.

Nasorpresa ako. Hindi ako makapaniwala na gagawin ‘yun ni Daniel. Pero ano naman ang dahilan nitong si Ate something para nga naman mag-post siya ng kanyang naranasan o saloobin? Hindi ko lang din maintindihan kung bakit ganito na lang ang galit ng ilan kay Daniel na kung hindi mapagbigyan magpa-picture ay may nasasabi at kung napagbigyan naman ay may nasasabi pa rin?

Ano ba talaga? Nagmura ba talaga si Daniel? Kung nagmura man ateng eh karapatan mo ‘yan na sabihin ang naging experience mo. Pero kung gawa-gawa lang naman, aba’y tantanan naman! ‘Yun lang.

REALITY BITES – Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …