KASABAY ng pagpapatuloy ng hearing sa annulment case, o pagpapawalang bisa ng kanyang naging kasal sa dating asawang si Cesar Montano, sinasabi ngayon ni Sunshine Cruz na mas tahimik ang kanyang buhay sa nakaraang tatlong taon, kahit na nga kailangan siyang kumayod nang husto para naman maitaguyod ang pangangailangan ng kanyang tatlong anak.
Inaamin ni Sunshine na pagod nga siya ngayon, pero mas nakawiwindang naman ang emotional stress na nadarama niya noong araw. Hindi man siguro iyon ang talagang dahilan kung bakit kadalasan ay inilalabas niya ang kanyang mga picture sa social media, halos lahat ng nakakikita ng mga iyon ay nagsasabing mukha ngang mas happy at kuntento sa kanyang buhay ngayon si Sunshine. Mas naging sexy kasi siya at nagmukha pang bata kaysa noon. Mukha ngang happy na siya at hindi naman niya itinatago iyon.
HATAWAN – Ed de Leon