Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Claudine, naospital at kailangang operahan

NAOSPITAL daw at sumailalim sa isang operasyon si Claudine Barretto. Hindi naman niya sinabi sa kanyang social media post kung ano talaga ang sakit niya at kung ano ang ooperahan sa kanya. Basta ipinakita lang ang picture niya sa isang ospital. Ni hindi sinabi kung saang ospital iyon, na natural lang naman siguro dahil gusto niyang mapanatili ang kanyang privacy.

Kung ganyang masasakitin na si Claudine, palagay namin mahihirapan na siyang mag-artista pa. Kahit na sabihin ngang may kasunduan na ngayong hindi maaaring pahabain pa sa 12 oras ang trabaho ng mga artista, palagay namin mahihirapan pa rin siya. Dapat siguro asikasuhin muna niya ang kanyang kalusugan bago siya sumabak sa trabaho.

May mga usapan na ngang ganyan eh, kaya raw mabilis na tinigbak ang kanyang serye na inaasahan pa namang magbabalik ng kanyang popularidad, may mga taping na hindi niya nasisipot dahil may sakit siya. Siyempre bukod pa rin iyon sa katotohanang hindi nga iyon kinagat ng mga tao at nanatiling “nasa laylayan” lang ang ratings nila.

Noon naman kasing walang ginagawang trabaho si Claudine, nasangkot siya sa kung ano-anong controversy at demandahan. Una iyong awayan nilang magkakapatid, tapos iyong naging problema rin nila ng kanyang asawang siRaymart Santiago. Mabuti si Raymart hindi masyadong apektado at ipinamahala na lang ang lahat sa legal procedure, pero si Claudine masyadong emotional kaya siguro naapektuhan lalo ang kanyang kalusugan.

Sa ganyang sitwasyon, parang napakahirap nang sabihing makakabawi pa si Claudine sa kanyang nawalang popularidad. Palagay namin mas magandang gayahin na lang niya ang kanyang kasabayang si Judy Ann Santos na nakuntento na lang sa pagiging housewife.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …